Nasawi sa COVID-19 sa buong mundo mahigit 1 milyon na

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2020 - 10:40 AM

Sumampa na sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 209,453.

Umabot naman na sa mahigit 141,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 95,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 76,000.

Umabot naman na sa mahigit 24.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.6 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 209,453
Brazil – 141,776
India – 95,574
Mexico – 76,430
UK – 41,988
Italy – 35,835
France – 31,727
Peru – 32,262
Spain – 31,232
Iran – 25,589

 

 

 

TAGS: Brazil, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 related deaths, department of health, general community quarantine, global deaths, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 related deaths, department of health, general community quarantine, global deaths, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.