Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas 4,550 na
By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2020 - 09:44 AM
Umabot na sa 4,550 ang total number ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa datos ng DOH-Eastern Visayas, kahapon, Sept. 27 ay nakapagtala pa ng dagdag na siyam na bagong kaso.
Sa 4,550 na kabuuang bilang ng kaso, 3,812 (84.78%) ang gumaling na habang 41 (0.90%) naman ang pumanaw.
Sa ngayon, 697 na lang ang total active cases sa rehiyon.
Pawang mula sa Leyte ang mga nadagdag na bagong kaso.
Noong Sabado, Sept. 26 nakapagtala ng 91 na bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.