Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan

By Mary Rose Cabrales September 28, 2020 - 04:47 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, September 27, 4:29 PM), umabot na sa 605 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 36 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 3,753 kung saan 51 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay umabot na sa 145 kung saan hindi nakapagtala ng bagong nasawi.

Umabot naman na sa 4,503 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 29 habang 1,520 naman ang suspected cases.

 

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong, coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.