$870-milyon mula Bangladesh, naharang ng Pilipinas

By Inquirer, Jay Dones March 09, 2016 - 04:39 AM

 

Inquirer file photo

Karagdagang 870 milyong dolyar pa ng hinihinalang nakulimbat ng mga hackers mula sa Bangladesh Central Bank ang napigilan na makapasok sa Pilipinas sa pagtatangkang linisin o ‘i-launder’ ito gamit ang mga casino sa bansa.

Ang naturang transaksyon ay naganap noong nakaraang buwan ayon sa mga source ng Inquirer.

Gayunman, nakalusot pa rin ang nasa 81 milyong dolyar na nagmula sa Bangladesh Central Bank at nagawang maipasok sa Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC sa Jupiter St., Makati Branch.

Ayon sa source, nasa 3.7 bilyong piso o 81 milyong dolyar na nanggaling sa Bank of Bangladesh ang naipasok sa Solaire Resort and Casino, City of Dreams at Midas Casino.

Naipalit ito sa gaming chips at agad ding ipinalit sa cash bago ini-remit sa mga account sa Hong Kong.

Alam din umano ng pamunuan ng RCBC ang naturang transaksyon, ayon pa sa source at ang mga ito pa mismo umano ang nag-utos sa bank manager ng RCBC Jupiter Branch na magbukas ng limang account para maipasok ang naturang halaga.

Handa rin umano ang naturang bank manager na suspendido na ngayon dahil sa isinasagawang imbestigasyon na isiwalat ang kanyang nalalaman hinggil sa mga kuwetyunableng transaksyon.

Samantala, napigilan naman ang paglilipat ng 870 milyong dolyar dahil sa nakatawag-pansin na ito sa mga otoridad.

Sa March 14, nakatakdang maglunsad ng imbestigasyon ang senate blue ribbon committee hinggil sa money laundering scheme na nabunyag gamit ang ilang mga casino sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.