Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng lindol
By Angellic Jordan September 27, 2020 - 02:00 PM
Muling nakaramdam ng aftershock ang Don Marcelino, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa 54 kilometers Northeast ng nasabing bayan bandang 1:28 ng hapon.
32 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershock pa rin ng tumamang magnitude 6.4 na lindol sa Don Marcelino noong September 6.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar at mga karatig-bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.