Japan, tinawag na balimbing ng China

By Kathleen Betina Aenlle March 09, 2016 - 04:34 AM

 

China_flag_Bagaman mayroong mga senyales na maaring bumuti pa ang kanilang ugnayan sa Japan, sinabi ng China na duda pa rin sila sa mga intensyon ng Japan.

Ito rin ay sa kabila ng paghupa ng bahid sa relasyon ng dalawang bansa gawa ng World War 2 at ng agawan rin sa maliliit na isla sa East China.

Ayon kay Chinese Foreign Minister Wang Yi, nagpupulong na rin naman sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Chinese President Xi Jinping, ngunit hindi pa rin nila maiaalis ang kanilang duda sa Japan.

Dahil na rin ito sa mga hakbang ni Abe na payagan ang kaniyang mga militar na lumaban sa ibang bansa sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng digmaan.

Tinawag ni Wang na balimbing o two-faced ang Japan, dahil sa kabila aniya ng pagiging mabait nito sa China, patuloy naman itong gumagawa ng mga hakbang na gumagawa ng gulo.

Pero dagdag ni Wang, umaasa rin siyang magkaroon ng mas maayos na bilateral ties ang dalawang bansa dahil nagkaroon naman ng tradisyon ng pagkakaibigan ang China at Japan noon pa man.

Ngunit, hindi naman nila ito masyadong ikinakasabik o labis na inaasahan dahil na nga rin sa pagiging balimbing ng Japan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.