11 stranded na seafarers sa China matagal nang inaasistihan ng pamahalaan
Matagal nang tinutugunan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 11 stranded na Filipino seafarers na lulan ng barko sa China.
Pahayag ito ng DFA kasunod ng akusasyon ng Migrante International.
Ayon sa DFA, nagpapatuloy na ang proseso para sa repatriation ng Filipino seafarers ng Ocean Star 86.
Paliwanag ng DFA, noong April 22, 2020 naipaalam sa Philippine Consulate General Office ang kalagayan ng mga seafarers.
Agad gumawa ng paraan ang Philippine Consulate General para makausap ang mga seafarers sa pamamagitan ng tinukoy nilang team leader para malaman ang kanilang working, physical at mental conditions.
Sinabi ng DFA na simula noon ay pinagkalooban na ng tulong gaya ng pagkain, at hygiene needs ang mga seafarer.
“Understanding the difficulty of their situation, the Philippine Consulate General immediately prepared packages containing ready-to-eat food and personal hygiene needs such as shampoo, soap and toothpaste, items which were requested by the seafarers themselves. The latest of these care packages were sent to the distressed seafarers this week when the Philippine Consulate General in Xiamen learned that the vessel was finally allowed to dock without yet being permitted to disembark its crew,” ayon sa DFA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.