Mayorya ng mga kongresista nais maging House Speaker si Rep. Cayetano hanggang 2022 ayon kay Deputy Speaker Gonzales

By Erwin Aguilon September 25, 2020 - 11:30 AM

Naniniwala si Deputy Speaker Neptali Gonzales na kung ang mga kongresista lamang ang magpapasya ay mananatili bilang House Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Sabi ni Gonzales, naipakita na si Cayetano ang kalibre ng kanyang pamumuno bukod pa sa kanyang karanasan sa pulitika.

Bilang isang dating majority leader ng Senado sinabi ng mambabatas na isa itong malaking advantage ng Kamara dahil sa pagiging familiar sa pakikipag-usap sa mga senador.

Ngayon din lamang anya sa ilalim ng liderato ni Cayetano nagkaroon ng malapit na relasyon ang Mababang Kapulungan sa mga miyembro ng gabinite bilang dati ring alter-ego ng pangulo ang house speaker.

Iginiit pa nito na malaki ang naitutulong para sa pagpasa ng mga panukalang batas ang pagiging dating senador at cabinet secretary ni Cayetano.

Maari anyang makadagdag sa magiging pasya ng mga kongresista na panatilihin ang house speaker sa posisyon ay ang nararanasang global pandemic dulot ng covid-19 kung saan lahat ay apektado maging ang kanilang pagtatrabaho sa Kamara.

Para naman kay House Committee on People Participation Chair at San Jose del Monte Rep. Rida Robes, ang kailangang pag-usapan ngayon ay ang serbisyo sa sambayanan bago ang pagpapalit ng liderato ng Kamara.

Sabi ni Robes, “We are in the middle of deliberations on the proposed 2021 budget. Next week, the House of Representatives will begin the daily rigorous plenary debates on the proposed budget. All talks about changing the leadership during this time when we are tackling a measure aimed at helping our countrymen recover from the effects of the Covid-19 pandemic are ill-timed.”

Bilang mga kinatawan ng publiko sa Kongreso ayon kay Robes tungkulin nil ana matiyak ang pagpasa ng panukalang 2021 budget sa itinakdang panahon.

“I personally commend the tandem of Speaker Alan Peter Cayetano and Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez as they have been working seamlessly to pass important measures for the people, including those that are part of the legislative agenda of President Rodrigo Duterte,” giit ni Robes.

Anya pa, “Let us allow them to fulfill their duty and mandate. Let us not put our institution in a bad light especially at a time when we need to work for the people. We are here to serve the country. Let us be an example of unity for the Filipino people in these trying times.”

 

 

TAGS: deputy speaker neptali gonzales, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speakership, Tagalog breaking news, tagalog news website, deputy speaker neptali gonzales, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speakership, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.