Largest network upgrade ng Globe tatapusin sa 2021
Magsasagawa ng upgrade ang Globe Telecom at ito ang maituturing na largest network upgrade sa kasaysayan ng network company.
Ang hakbang ay pagtugon ng Globe sa panawagan ng gobyerno sa mga Telco na pagbutihin pa ang internet services sa bansa.
Naglatag ang Globe ng 3-pronged strategy para mapagbuti pa ang voice at data experience ng kanilang customers.
Una dito ang pagpapabilis sa pagtatayo ng cell site upang mapalawig ang kanilang coverage at maitaas ang data capacity.
“With the strong support of ARTA and the recently signed Bayanihan to Recover As One or Bayanihan 2, the faster processing and release of various national and LGU permits are crucial to jumpstart the infrastructure builds to improve the country’s overall state of connectivity.” ayon sa pahayag ng Globe.
Ikalawa naman ay ang pag- upgrade sa lahat ng sites ng Globe sa 4G/LTE. Kung magiging available na ang 4G sa buong bansa sinabi ng Globe na magiging data-ready na ang buong Pilipinas.
At ang ikatlo ay ang pabilisin ang fiberization na layong mapagbuti pa ang data experience sa mga bahay.
Malaking bagay ito ayon sa Globe ngayong online ang pag-aaral at marami ang naka-work from home.
Ayon kay Globe president at CEO Ernest Cu, lahat ng network upgrades ay inaasahang matatapos sa 2021.
“Globe is in a much better position now to fulfill the demands of its customers. In heeding the call of the government, we shall endeavor to provide our customers with improved network performance and quality of service. We look towards the future where our country would have a strong digital economy backed by resilient and reliable connectivity,” ayon kay Cu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.