Pagpapauwi ng LSIs at overseas Filipinos sa Iloilo City suspendido ng pitong araw

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2020 - 07:53 AM

Wala munang tatanggaping Locally Stranded Individuals (LSIs) at returning overseas Filipinos sa Iloilo City matapos itong isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa abiso ng Iloilo City Government, ipinag-utos ni Mayor Jerry Treñas ang suspensyon sa pagbiyahe ng mga LSIs at ROFs sa sa lungsod sa loob ng pitong araw.

Layon nitong mabigyang pagkakataon ang lokal na pamahalaan na matugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Hindi naman magpapatupad ng border controls sa Iloilo City para hindi maapektuhan ang mga business establishments.

Inirekomenda din ng LGU na magtuloy ang pagbiyahe ng mga pampublikong transportasyon basta’t masusunod ang 1-meter physical distancing sa mga sasakyan.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, iloilo city, Inquirer News, LSIs, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, returning OFs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, iloilo city, Inquirer News, LSIs, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, returning OFs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.