Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, 4,373 na
Napaulat ang 58 ang nagpositibo pang residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:21, Huwebes ng hapon (September 24), 4,373 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 596 ang aktibong kaso.
28 ang itinuturing na probable cases habang 1,499 ang suspected cases kung saan 14,731 ang cleared na.
22 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 3,632 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 145 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.