Higit 1,000 tablets, ido-donate para sa ilang mag-aaral sa Universidad de Manila

By Angellic Jordan September 24, 2020 - 06:45 PM

Mag-dodonate ng 1,010 piraso ng Samsung Galaxy Tab A devices sina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan para sa ilang estudyante ng Universidad de Manila.

Ayon sa alkalde, makakatanggap nito ang mga mag-aaral ng naturang unibersidad na mula sa “poorest of the poor” families.

“Alam ko po ang hirap na dinaranas ng ating mga mag-aaral, lalo na mga mahihirap na nasa ating mga pampublikong paaralan. Kaya’t inihahandog po namin ito ni Vice Mayor Honey Lacuna,” pahayag ni Moreno.

Sinabi nito na umabot sa P8.8 milyon ang halaga ng mga tablet na nalikom mula sa kaniyang modeling/talent fees sa iba’t ibang kumpanya.

“Hangad po namin silang matulungan sa kanilang online calsses ngayong may blended learning mode dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19,” ayon pa kay Moreno.

TAGS: blended learning in Manila, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, online classes, Radyo Inquirer news, Samsung Galaxy Tab A, Universidad de Manila students, Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, blended learning in Manila, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, online classes, Radyo Inquirer news, Samsung Galaxy Tab A, Universidad de Manila students, Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.