Bayabas, Surigao del Sur muling niyanig ng lindol
Muling niyanig ng may kalakasang lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.8 na pagyanig sa 97 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-11:55 umaga ng Huwebes(September 24).
May lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Nauna ng nakapagtala ng magnitude 3.2, 3.0, 5.1, 3.8, 3.5 at 5.0 kaninang alas-2:12 at alas-3:18 ng madaling araw at alas-6:19, alas-8:38, alas-8:55 at alas-10:25 ng umaga.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol sa lugar noong September 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.