Pagdedeklarang persona non grata sa mga miyembro ng EU hindi na kailangan ayon sa Malakanyang
Walang nakikitang sapat na rason ang Palasyo ng Malakanyang na ideklarang persona non grata ang mga miyembro ng European Union na nagbantang tanggalan ng tariff perks ang mga produkto ng Pilipinas.
Pahayag ito ng Palasyo matapos igiit ni Congressman Dan Fernandez na dapat na ideklarang persona non grata ang German na mambabatas na si Hannah Neumann bilang protesta na din sa resolusyong inihain nito na may kinalaman sa naturang perks sa pagbubuwis.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi na kailangan ang naturang hakbang dahil malinaw naman na nailatag na ng Pilipinas na hindi alipon ang bansa kanino man lalo na ng European countries
Sinabi pa ni Roque na walang sino man ang makapagdidikta sa Pilipinas para pairalin ang rule of law.
Walang sino man ang dapat na kumwestyun kung paano pinoptroetkahan ng pamahalaan ang mamayan nito sa banta ng ilegal na droga at terorismo
“Well, I don’t think we need to bring it to that extent but the message is clear – we are no longer slaves of European countries. We are no longer slaves of any foreign country for that matter. No one can dictate the manner by which we uphold the rule of law in the Philippines. No one can question our resolve to protect our people from the scourge of illegal drugs and terrorism,” ayon kay Roque.
Ihinirit ni Neumann na tanggalan ng tariff perks ang Pilipinas bilang protesta sa lumalang human rights violation sa bansa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.