Pagtigil sa lifestyle check ng Ombudsman sa government officials tama ayon sa Malakanyang

By Chona Yu September 24, 2020 - 11:45 AM

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na tama ang ginagawang hakbang ni Ombudsman Samuel Martires na itigil na ang pagsasagawa ng lifestyle check sa opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, madali na kasing nagtago ngayon ng ill gotten wealth.

Halimbawa na rito ang pagkukunwari ng simpleng pamumuhay, paggamit ng mga dummy na bank accounts para lamang maitago ang mga nakaw na yaman.

“Well, ako po, as a lawyer ‘no, mukhang tama po si Ombudsman kasi napakadali pong magtago ng ill-gotten wealth. Siguro may mga panahon na the corrupt ones will flaunt it. Pero times have changed, ngayon they could live modest lives, even they could use dummies for their bank deposits and can pretend to have modest lives even if they have trillions and billions of ill-gotten wealth,” ayon kay Roque.

Mas mahalaga ayon kay Roque na tutukan ang anti-money laundering law dahil ito ang pinakamabisang paraan kung maju justify ng isang empleyado ang kanyang yaman.

Pero ayon kay Roque may mga kurakot talaga na walang hiya at ibinibida pa ang mga nakaw na yaman.

 

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, Inquirer News, lifestyle check, News in the Philippines, Ombudsman Samuel Martires, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Harry Roque, Inquirer News, lifestyle check, News in the Philippines, Ombudsman Samuel Martires, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.