Page na binuo ng grupo ng mga magulang para proteksyonan ang mga bata laban sa NPA recruitment isinara din ng Facebook

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2020 - 08:34 AM

Kabilang ang Facebook page na binuo para proteksyunan ang mga kabataan laban sa recruitment ng mga komunista sa isinara ng Facebook.

Kahapon inanunsyo ng Facebook na mahigit 150 na pekeng accounts pages at groups ang kanilang isinara.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Lieutenant General Gilbert Gapay, kabilang sa naapektuhan ng shut down ang Hands Off Our Children (HOOC) page.

Binuo ito ng grupo ng mga magulang para labanan ang recruitment ng communist rebels sa mga kabataan.

Sinabi ni Gapay na lehitimo ang inilalahad sa naturang Facebook page at maituturing na “urgent” ang mga panawagan.

Lalo pa aniya at patuloy ang recruitment machinery ng communist terrorist group na bumibiktima sa mga estudyante.

Ang mga mag-aaral ay hinihimok na maging cadres at armed members ng New People’s Army.

“The AFP regrets the decision of Facebook to take down the page of Hands Off Our Children, a campaign launched by a group of parents who are fighting to protect their children against violent extremism,” ayon kay Gapay.

Sinabi ni Gapay na ang naturang Facebook Page ay mahalaga sa kampanya upang itaas ang awareness sa pagiging lantad ng mga kabataan sa communist front organizations.

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, Facebook shutdown, general community quarantine, Hands Off Our Children, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, NPA recruitment, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, Facebook shutdown, general community quarantine, Hands Off Our Children, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, NPA recruitment, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.