Palasyo, iginagalang ang pag-take down ng Facebook ng higit 100 fake accounts
Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ng Facebook na i-take down ang mahigit 100 fake accounts.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na ang popular na global social networking company.
“However, we are one in advocating the truth and dismissing disinformation, lies or hatred,” pahayag ni Roque.
Apela ng Palasyo sa Facebook, maging patas sa pagbibigay aksyon sa mga account.
“We hope the social media giant would exercise prudence in all its actions to remove any doubt of bias given its power, influence and reach,” pahayag ni Roque.
Mahigit 100 pekeng account ang isinara ng Facebook na karamihan ay mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.