Alert Level 2 itinaas ng DFA sa Mali

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2020 - 11:53 AM

Nagtaas ng alert level 2 ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Mali.

Bunsod ito ng tumataas na tensyon sa nasabing bansa dahil sa kasalukuyang political at security situation doon.

Itinataas ang Alert Level 2 kapag mayroong banta sa buhay, seguridad, at ari-arian ng mga Filipino sa bansa kung saan sila naroroon dahil sa internal disturbances, instability, o external threat.

Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayuhan ang mga Filipino na iwasan ang non-essential movements, iwasan ang magtungo sa public places, at maghanda sakaling kailanganing lumikas.

Pinayuhan ang mga Pinoy sa Mali na makipagugnayan sa Philippine Embassy sa Rabat, Morocco para sa karagdagang mga abiso at tumawag sa numero +212-694202178 o sa pamamagitan ng email na [email protected].

 

 

 

TAGS: Alert Level 2, DFA, Inquirer News, Mali, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alert Level 2, DFA, Inquirer News, Mali, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.