Global cases ng COVID-19 mahigit 31.4 million na
Umabot na sa mahigit 31.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes (Sept.22) ay 31,471,390 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 226,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 36,300 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 74,400 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 15,500 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,046,188
India – 5,560,105
Brazil – 4,560,083
Russia – 1,109,595
Colombia – 770,435
Peru – 768,895
Mexico – 697,663
Spain – 671,468
South Africa – 661,936
Argentina – 640,147
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.