Pitong volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon
By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2020 - 08:58 AM
Nakapagtala ng pitong volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Batay sa Kanlaon Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, may naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na umabot sa 500 meters ang taas.
Ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan noong Sept. 14 ay umabot sa 416 tonnes/day ang average.
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Kanlaon at pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.