Police stations nais gawing vaccine stations kontra COVID-19 ni Pangulong Duterte

By Chona Yu September 22, 2020 - 07:55 AM

Sa Enero pa inaasahang magiging available sa merkado ang bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kapag may bakuna na, gagawin niyang vaccine stations ang mga istasyon ng pulisya.

Paliwanag ng pangulo, madali kasing puntahan ng mga tao ang mga himpilan ng pulisya.

Maari lamang aniyang pumila ang mga tao sa mga himpilan ng pulisya para magpaturok.

Madali lang aniya ito dahil aabutin lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto ang pagturok ng bakuna.

Uunahin aniyang turuka ang mga mahihirap.

Para sa mga drug addict na gustong magpabakuna, biro ng pangulo, sa tainga iturok ang bakuna.

Habang ang mga miyembro ng New People’s Army na gusto ring magpabakuna, dapat sa mga kampo ng militar para diretso na stockade.

Ayon sa pangulo, galit siya sa mga drug addict at mga miyembro ng npa.

Kung wala aniyang pera ang gobyerno pambili ng bakuna, uutangin na muna ng pangulo para masiguro lamang na ligtas ang mga Filipino sa COVID-19.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, covid vaccine, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, covid vaccine, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.