Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, pumalo na sa 4,200
Napaulat ang 58 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:06, Lunes ng hapon (September 21), 4,200 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 652 ang aktibong kaso.
26 ang itinuturing na probable cases habang 1,490 ang suspected cases kung saan 14,056 ang cleared na.
76 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 3,409 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 139 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.