15 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City
Nasa 15 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (September 21), umabot na sa 579 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Walo namang ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 384 na ang total recoveries sa Baguio City habang 10 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 2,317 ang aktibo habang 3,257 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 8,429 na residente habang 19,115 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.