DILG, DENR chiefs pag-uusapan ang pagdagsa sa Manila Bay white sand beach
Kakausapin ni Interior Secretary Eduardo Año si Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ukol sa nangyaring pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay white sand beach at nalabag ang protocol ukol sa physical distancing.
“I will discuss it first with Secretary Cimatu kung ano pa ‘yung magiging course of action namin dito. We will also really check what went wrong. For now, mahirap kasing magsalita muna but somehow, ‘yun muna ang actions na ginawa ko,” ani Año.
Inaasahan naman na talagang dudumugin ng taumbayan ang bagong pasyalan sa Maynila.
Sinabi nito na maaaring nasabik ang mga tao na makakita ng beach dahil sa matagal din silang nanatili sa kanilang bahay dahil sa lockdown.
Ayon pa kay Año, dapat ay napaghandaan ng pamahalaang-lungsod at Philippine National Police (PNP) ang pagpunta ng mga tao sa lugar para nasunod pa rin ang minimum health standards.
“Dapat mas maraming pulis na dineploy saka kailangan din diyan naglagay tayo ng barriers. Of course the Manila LGU, siyempre dapat talaga nakapag-prepare tayo dito,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.