Pilipinas, pangalawa sa mga bansang may pinakamaraming “Female business leaders”
Ang bansang Russia ang nanguna sa mga bansa na may pinakamaraming babae na may mataas na posisyon sa sangay ng negosyo batay sa “Women in Business” report ng U.S based audit and tax firm Frant Thornton.
Sa nasabing report, 45% ng mga senior management positions sa mga Business companies sa Russia ay pawang babae ang humahawak.
Sumusunod sa Russia ang Pilipinas at ang Lithuania. Habang ang bansang Japan ang nakakuha ng pinakamababang percentage na 7% lamang.
Sa buong mundo, 22% lamang ng mga senior management positions sa larangan ng negosyo ang hinahawakan ng mga babae.
Habang tumaas naman sa 33% mula sa dating 32% ang bilang ng mga business companies na walang babae sa mga senior management position.
Sakop ng nasabing report ang 5,520 businesses sa 36 na mga bansa.
Sa mga G7 countries na kinabibilangan ng Canada, Germany, Italy, France, Japan, Britain at United States, 39% ng mga businesses ang walang babae sa senior management positions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.