Mahigit P2M halaga ng marijuana bricks nakumpiska ng PDEA sa Mt. Province

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2020 - 08:00 AM

Aabot sa mahigit P2 milyon halaga ng marijuana bricks ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bontoc, Mt. Province

Labingpitong piraso ng marijuana bricks ang nakumpiska ng pinagsanib-pwersa ng PDEA at PNP sa Brgy. Samoki.

Ayon sa PDEA – Cordillera Administrative Region, iniwan ang mga kahon sa waiting shed sa highway sa naturang barangay.

Naghintay ng ilang oras ang mga operatiba kung may darating para kumuha ng mga kahon, pero walang kumuha nito, kaya nagpasya silang buksan na ang kargamento at doon natuklasan ang mga bloke ng marijuana.

Iniimbestigahan na ngayon ng PDEA at PNP ang bagong modus na “dropping and shipping” ng illegal na droga.

TAGS: Bontoc, CAR, Inquirer News, Marijuana Bricks, Mt Province, News in the Philippines, PDEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Bontoc, CAR, Inquirer News, Marijuana Bricks, Mt Province, News in the Philippines, PDEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.