150 miyembro ng grupong kaalyado ng Al-Qaeda, patay sa pag-atake ng US drone

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2016 - 08:49 AM

SomaliaUmabot sa 150 pinaghihinalaang miyemrbo ng Al-Shabaab fighters sa Somalia ang napatay sa pag-atake ng US drone.

Ito ang kinumpirma ng Pentagon matapos ang pagsasagawa nila ng pag-atake gamit ang mga manned at unmanned aircraft noong Sabado sa Raso Camp sa Mogadishu, Somalia.

Ang inatakeng lugar ay pinaniniwalaang pugad at pinagtatayuan ng training facility ng Al-Qaeda affiliated group.

Ayon sa mga opisyal ng Pentagon, banta sa US forces at sa mga tauhan ng African Union Mission in Somalia (AMISOM) ang napatay na mga fighters.

Ilang linggo na umanong isinailalim sa monitoring ang kampo at natuklasan na plano ng mahigit 200 fighters nito na atakihin ang US at African Union forces.

Ayon naman kay White House Press Secretary Josh Earnest ang nasabing misyon sa Somalia ay bahagi ng “counterterrorism strategy” ng Estados Unidos.

TAGS: US drone attacks Al-Shabaab fighters camp in Somalia, US drone attacks Al-Shabaab fighters camp in Somalia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.