Michael Bloomberg, hindi na tatakbong pangulo

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2016 - 07:42 AM

BloombergNagpasya si Michael Bloomberg na huwag nang tumakbong pangulo sa Estados Unidos.

Ayon kay Bloomberg, ang three-way presidential race ay maari lamang mauwi sa paghalal sa isang kandidato na maglalagay sa alanganin sa security at stability ng US.

Hayagan ding binanggit ni Bloomberg ang pagkabahala niya sa paraan ng pangangampanya ni Donald Trump.

Ani Bloomberg kabilang sa mga nakababahalang pahayag ni Trump ang banta nitong bawalan ang mga Muslim immigrants na makapasok sa US at ang bantang maglunsad ng giyera laban sa China at Jpaan.

Ang nasabing desisyon ni Bloomberg ay inilahad sa kaniyang column sa “Bloomberg View”.

Nitong nagdaang mga araw, nakipag-usap si Bloomberg sa ilang retiradong mataas na opisyal sa US para sa pagbuo sana ng independent ticket. Target sana ng kampo ni Bloomberg na kuning running mate si Michael G. Mullen, na retired admiral at dating chairman ng Joint Chiefs of Staff.

TAGS: Michael Bloomberg wont run for president, Michael Bloomberg wont run for president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.