Dagdag na 19,829 OFWs, negatibo sa COVID-19
Nasa 19,829 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Naitala ang nasabing bilang batay sa ginawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang September 20.
Kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.
Para makita ang karagdagang listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://bit.ly/2HgAo1g
Maliban pa ito sa naitalang 56,044 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula July 31 hanggang September 5.
Narito naman ang link ng master list:
https://bit.ly/3bvyghi
Maglalabas ang PRC ng quarantine certificates sa ROFs na makakakumpleto ng mandatory facility-based quarantine at nagnegatibo sa nakakahawang sakit base sa kanilang swab test results.
Ang mga ROF kung saan sinuri ng PRC ang kanilang specimen ay maaaring iberipika ang resulta sa redcross.com.ph/verify at kunin ang quarantine certificates sa [email protected].
Hindi na rin kailangang mag-register ng ROF sa website ng Bureau of Quarantine (BOQ) na quarantinecertificate.com kapag nasuri na ng PRC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.