BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 283,460
Halos 4,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (September 19), umabot na sa 283,460 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 68,645 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,962 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.0 porsyento ang asymptomatic; 1.1 porsyento ang severe habang 2.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 100 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 4,930 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,128 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 209,885 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.