Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 956,000 na
Pumalo na sa mahigit 956,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 956,438 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 203,171.
Sumunod na rito ang Brazil na may 135,857 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 85,625 naman ang death toll sa India habang 72,803 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 41,732
– Italy – 35,668
– Peru – 31,283
– France – 31,249
– Spain – 30,495
– Iran – 23,952
– Colombia – 23,850
– Russia – 19,195
– South Africa – 15,857
– Argentina – 12,656
– Chile – 12,199
– Ecuador – 11,044
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 30,694,541 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 22,336,284 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.