BREAKING: Deklarasyon ng State of Calamity sa bansa pinalawig pa ng 1-taon ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2020 - 05:52 PM

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng state of calamity sa buong bansa dahil sa pandemic ng COVID-19.

Sa nilagdaang proklamasyon number 1021, pinalalawig ang deklarasyon ng state of calamity hanggang sa Sept. 12, 2021.

Noong March 16, 2020 nagdeklara ng anim na buwang state of calamity ang pangulo dahil sa problema ng bansa sa COVID-19.

Nakasaad sa proklamasyon na inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagpapalawig pa ng state of calamity.

 

 

TAGS: covid19, National Disaster Risk Reduction and Management Council, pandemic, State of Calamity, covid19, National Disaster Risk Reduction and Management Council, pandemic, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.