Metro Manila, ilang kapalit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras
Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Ayon sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 2:22 ng hapon ngayong Biyernes, Sept. 18 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila, Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Laguna, at Rizal sa susunod na dalawang oras.
Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa sumusunod na mga lugar:
Cavite:
– General Trias
– Tanza
– Noveleta
– Rosario
– Cavite City
– Kawit
– Trece Martires
Bulacan:
– Bulacan
Zambales:
– Olongapo
– Subic
– Castillejos
– San Marelino
– Botolan
Tarlac :
– Bamban
Pampanga:
– Mabalacat
Bataan
– Abucay
– Balanga
Pinapayuhan ang mga residente sa mababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.