Mga sundalong lumaban sa Maute group, pinarangalan

By Ruel Perez March 08, 2016 - 04:56 AM

Julie M. Aurelio | Inquirer
Julie M. Aurelio | Inquirer

Bumisita sa Marawi City sina Armed Forces of the Philippine Chief of Staff Gen. Hernando Irriberri at Philippine Army Chief Lt. Gen. Eduardo Año at Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Mayoralgo dela Cruz.

ito ay para personal na bigyan ng parangal ang mga sundalong isinabak para maneutralize ang nga miyembro ng Maute terror group sa Butig Lanao del Sur.

Ayon kay AFP Public Information Office Col Noel Detoyato, 20 sundalo ang pinarangalan, at ang 5 sa kanila ay nakatanggap ng gold cross medal.

Ito ay sina Capt. Baltazar Marcos Jr ng PA, 1Lt. Ariel Bulagao, 2Lt. Jesus Reyes Jr., Sgt. Rogelio Abuan at Cpl. Efren Manicad.

Nakatanggap naman ng silver cross medal, bronze cross medal at military merit medal ang labing lima pang mga sundalo.

Ani Detoyato ang pagbibigay ng award sa mga sundalong ito ay bilang pagkilala sa katapangan at hirap na dinanas ng mga ito habang nakikipag engkwentro sa mga miyembro ng Maute group.

Matatandaang sa ilang linggong nagkasagupa ang militar at Maute terrorist group, kung saan napaulat na may 40 miyembro ng grupo ang nasawi habang ilang sundalo rin ang nasawi at nasugatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.