DFA nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng kauna-unahang Pinoy na nahalal sa posisyon sa England
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilyang naulila ng kauna-unahang Pinoy na nahalal sa posisyon sa England.
Sa pahayag ng DFA, ipinaabot nito ang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Cynthia Alcantara-Barker, Mayor ng Hertsmere, England.
Ayon sa pahayag ng DFA, si Barker ang kauna-unahang babae na mayroong Filipino-descent na naluklok sa elective office sa United Kingdom (UK).
Bago naging mayor ay nagsilbi din si Barker bilang Deputy-Mayor noong 2019 at naging town at borough councilor noong 2015.
Sinabi ng DFA na isang inspirational community leader at role model si Barker.
Inalala din ng DFA ang pagsuporta ni Barker sa Filipino communities sa UK sa pamamagitan ng kaniyang pagtulong sa pag-organisa ng charitable projects at promosyon ng Philippine culture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.