Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, halos 4,000 na
Napaulat ang 66 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:57, Huwebes ng hapon (September 17), 3,996 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 696 ang aktibong kaso.
23 ang itinuturing na probable cases habang 1,842 ang suspected cases kung saan 13,414 ang cleared na.
167 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 3,165 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat naman sa 131 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.