Tabina, Zamboanga del Sur niyanig ng magnitude 3.7 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2020 - 12:37 PM
Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 48 kilometers southeast ng Tabina alas 11:49 ng umaga ngayong Huwebes, Sept 17
May lalim na 31 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Tupi, South Cotabato.
Hindi nama ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.