Facebook Page na tutugon sa katanungan tungkol sa PUV Modernization Program inilunsad ng LTFRB
Nagbukas ng Facebook Page ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang layunin ay tumugon sa mga katanungan tungkol sa PUV Modernization Program.
Ang Facebook Page na “LTFRB PUVMP Project Management Office” ang sasagot sa lahat ng tanong mula sa mga PUV operators at drivers.
Lahat ng tanong, request o concerns ay pwedeng ipadala sa FB page.
Ayon sa LTFRB, layon nitong malimitahan ang pagtungo ng mga operator at driver sa tanggapan ng ahensya upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at bilang pagsunod sa physical distancing measures.
Nagtalaga ng mga staff sa PUVMP para patuloy na i-monitor ang mga email at mensahe upang magbigay ng agad na tugon.
Payo ng LTFRB, kung magpapadala ng katanungan, ilakip ang mga sumusunod na impormasyon:
a) Pangalan ng Transport Service Entity/Operator (Transport Cooperative/Corporation)
b) Pangalan ng Authorized Representative
c) Contact Number
d) Route/Ruta
e) Number of Authorized Units (NAU) at Number of Operational Units (NOU) para sa mga existing operators
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.