COVID-19 cases sa Western Visayas, 8,220 na
Nagpositibo ang 265 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 16, umakyat na sa 8,220 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,566 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 69.18 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
121 naman ang gumaling pa kaya 4,528 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 126 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.