Pagpapatayo ng third telco ng towers sa mga military camps binigyang katwiran
Ipinagtanggol ni Department of Information and Communication Technology Secretary Gregorio Honasan ang pagpapatayo ng third telco na DITO ng towers sa mga kampo ng militar.
Sa pagdinig ng 2021 budget ng DICT sa Kamara, sinabi ni Honasan, ikinonsidera nila pagpapatayo ng towers sa military camps dahil sa mga nakaraan ay madalas na pinupuntirya ng mga lawless groups ang mga tower ng telecommunication company.
Bukod dito ay continuous at hindi one time ang kanilang magiging performance at security audit sa naturang third telco.
Binibigyang mandato rin aniya ang ahensya na magsumite ng periodic report tungkol sa cyber security effort ng ahensya.
kaugnay nito, Hinimok ni Honasan ang mga mambabatas at maging ang publiko na magtiwala sa ahensya kaugnay sa pagpayag ng pagtatayo ng third telco ng pasilidad sa loob ng mga military camps.
Magkakaroon anya ng due diligence ang DICT upang hindi naman ma-expose ang bansa sa security issues.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.