Medical reserve corps puwede sa ibang professionals – Sen. Cayetano
Nilinaw ni Senator Pia Cayetano na hindi lang mga medical o health workers ang bubuo sa isinusulong na medical reserve corps.
Sa pagdinig sa inihain Senate Bill No. 1527 o Medical Reserve Corps Act, sinabi ni Cayetano na mangangailangan din ng mga nasa larangan ng ibang propesyon.
“I think it is a misconception that we will be focusing only on health practitioners in this Medical Reserve bill. Addressing a pandemic like this, or any future crisis requires the participation of the whole of society,” aniya.
Isinagawa ang pagdinig ng Committee on Health na pinamumunuan ni Sen. Christopher “Bong” Go.
Dagdag pa ng senadora, mangangailangan din ng encoders at IT professionals sa bubuo ng Medical Reserve Corps (MRC) at iba pa na handing magsilbi sa kapwa at bansa.
Sa hiwalay ngunit katulad na panukala ni Go, sinabi nito na mangangailangan ang MRC ng mga nagtapos sa kursong medisina, nursing, medical technology at iba pang allied health professionals.
Paliwanag niya, ang MRC ay maaaring ipadala ng gobyerno sa mga lugar kung saan nangangailangan ng agarang atensyon medikal ang mga tao.
“The reality is, our medical personnel are strained by the number of COVID-19 patients which hinders our capacity to combat the disease immediately and effectively. Thus, we urgently see the need for a Medical Reserve Corps,” katuwiran ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.