AFP, handa sa Senate probe ukol sa Dito cellsites sa military camps

By Jan Escosio September 15, 2020 - 10:03 PM

Kayang ipaliwanag at bigyang linaw ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Senado ang planong pagpapatayo ng cellsites ng Dito Telecommunity sa ilang kampo-militar sa bansa.

Sinabi ni AFP spokesman, Maj. Gen. Edgard Arevalo na magandang oportunidad para sa kanila kung matutuloy ang ipapatawag na pagdinig sa Senado para sagutin ang lahat ng mga katanungan ukol sa pakikipagkasundo ng AFP sa telco.

Ang Dito ay pag-aaari ng negosyateng si Dennis Uy at China Telecoms.

Sinabi ni Arevalo na inirerespeto nila ang Senado kaya’t handa silang ipaliwanag ang memorandum of agreement sa pagitan ng AFP at Dito.

Una nang hiniling ni Sen. Risa Hontiveros na maimbestigahan sa Senado ang kasunduan dahil sa pangamba na maaaring maging banta ang proyekto sa pambansang seguridad.

Una na ring nagpahayag ng pangamba sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. Francis Pangilinan sa naturang balakin.

TAGS: AFP on Dito cellsites, Inquirer News, Maj. Gen. Edgard Arevalo, Radyo Inquirer news, Senate probe on Dito cellsites, AFP on Dito cellsites, Inquirer News, Maj. Gen. Edgard Arevalo, Radyo Inquirer news, Senate probe on Dito cellsites

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.