P14B na pondo ng DOTr ngayong 2020 inilaan sa COVID-19 response

By Erwin Aguilon September 15, 2020 - 12:19 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Aabot sa P14 billion pondo ng Department of Transporation ngayong taon ang na-realign para sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2021 budget ng DOTr, tinanong ni Gabriela Rep. Arlene Brosas kung mula sa nasabing pondo ay mayroong napunta bilang pang ayuda sa mga manggagawa sa transportasyon.

Sabi ni Transport Sec. Arthur Tugade, ang Department of Budget and Management ang nagpasya kung saan dadalhin ang nasabing halaga.

Kabilang na anya dito ang Department of Social Welfare and Development at Department of Health.

Para anya sa mga ayuda sa mga driver nagsumite ng pangalan ang Land Transportation and Regulatory Board sa DSWD at sila rin ang namahagi sa mga benepisyaryo.

 

 

TAGS: Arthur Tugade, dotr, dotr budget, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Arthur Tugade, dotr, dotr budget, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.