Metro Manila, maraming lalawigan patuloy na uulanin ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2020 - 08:32 AM

Patuloy na makararanas ng pag-ulan sa sa Metro Manila at maraming mga lalawigan sa Luzon.

Ito ay dahil sa Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa na binabantayan ng PAGASA.

Sa inilabas na rainfall advisory number 2 ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Martes, Sept. 15, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Cavite, Rizal, Tarlac, Bataan, Pampanga, Laguna, Batangas at Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar ang mararanasang patuloy na pag-ulan.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa susunod na mga oras.

 

 

TAGS: bataan, Batangas, Bulacan, cavite, laguna, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, weather, zambales, bataan, Batangas, Bulacan, cavite, laguna, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, weather, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.