Presyo ng langis tataas, pero pasahe sa bus, air-conditioned jeep at taxi, bababa
Magpapatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis bukas.
Nasa 70 hanggang 80 centavos ang inaasahang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, gasolina at kerosene ang ipatutupad ng mga oil companies.
Samantala maipatutupad naman na ngayong linggong ito ang pisong pagbaba sa pamasahe sa bus at air conditioned jeep.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB), magkakaroon na lamang ng deliberasyon ngayong araw para sa fare rollback at buo na ang draft ng desisyon.
Piso ang ibabawas sa minimum fare sa ordinary at air conditioned bus, gayundin sa mga air conditioned jeepney.
Habang gagawin nang permanente ang 30 pesos na rollback sa flagdown rate ng taxi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.