Malaking bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila uulanin ngayong araw dahil sa LPA

By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2020 - 06:03 AM

Magiging maulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw kasama na ang Metro Manila.

Ito ay dahil sa Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa na binabantayan ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 225 kilometers west northwest ng Catarman, Northern Samar.

Ayon sa PAGASA, may tsansa itong mabuo bilang ganap na bagyo bukas, araw ng Miyerkules o sa Huwebes.

Tatawagin itong “Leon” sa sandaling maging ganap nang bagyo.

Dahil sa naturang LPA, ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Mindanao at lalawigan ng Aurora ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.

Sa nalalabi namang bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap na papawirin lang ang iiral.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.