Misa sa Manila Cathedral, bukas na sa publiko simula sa Sept. 16

By Angellic Jordan September 14, 2020 - 04:21 PM

Magiging bukas na sa publiko ang misa sa Manila Cathedral.

Base sa abiso sa kanilang Facebook page, maaari na muling makadalo ng misa sa naturang simbahan ang publiko simula sa Miyerkules, September 16.

Ngunit, hanggang 80 katao lamang ang papayagang makadalo sa kada misa.

“First come first served basis” din anila ang ipatutupad sa Manila Cathedral.

Istrikto ring ipatutupad ang pagsusuot ng face mask at face shield habang isinasagawa ang misa.

Narito ang iskedyul ng misa sa Manila Cathedral:
– Lunes hanggang Biyernes: 7:30 ng umaga at 12:10 ng tanghali
– Sabado: 7:30 ng umaga
– Linggo: 8:00 ng umaga, 10:00 ng umaga at 6:00 ng gabi

Bukas din ang simbahan para sa private prayers bandang 8:00 hanggang 11:30 ng umaga at 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.

“During Sundays, the faithful can also stay in Plaza Roma, where communion will also be distributed,” nakasaad pa sa kanilang abiso.

Patuloy pa rin namang isasagawa ang pag-livestream sa lahat ng misa online sa pamamagitan ng kanilang Facebook page at YouTube channel.

TAGS: COVID-19, Inquirer News, Manila Cathedral livestream mass, Manila Cathedral mass, Manila Cathedral mass open to public, Manila Cathedral mass schedule, Radyo Inquirer news, COVID-19, Inquirer News, Manila Cathedral livestream mass, Manila Cathedral mass, Manila Cathedral mass open to public, Manila Cathedral mass schedule, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.