Pagtataas sa minimun wage ng mga nurse sa pribadong sektor, isinusulong

By Erwin Aguilon September 14, 2020 - 02:51 PM

FILE PHOTO

Itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtataas ng sahod ng mga nurse sa pribadong sector.

Sa House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020” nina House Deputy Speaker at Davao Rep. Paolo Duterte, DUMPER PTDA Rep. Claudine Diana Bautista at ACT-CIS Rep. Eric Yap, nais ng mga ito na isaayos ang kalagayan ng mga nurse na nasa pribadong sektor.

Sa ilalim ng panukala ay inaatasan ang National Wages Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DOH), Philippine Nursing Association at Private Hospitals Association of the Philippines para sa itatakdang angkop na wage increase depende sa lugar at kakayanan ng ospital.

Layunin ng panukala na maprotektahan ang nurses sa pribadong health care facilities sa pamamagitan ng pagtataas sa kanilang sahod at pagbibigay ng mas magandang benepisyo.

Sabi ni Duterte, napakalaki ng kontribusyon ng nurses sa mga pribadong ospital sa gitna ng pandemya kaya nararapat lamang na maitaas ang kanilang sahod at benepisyo.

Ayon naman kay Cong. Yap, masyado nang malayo ang agwat ng nurses sa mga pribadong pagamutan kumpara sa nurses sa mga pampublikong ospital gayong pareho namang mahalaga ang kanilang ginagampanang papel partikular sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Lumabas sa ginawang pag-aaral na umaabot lamang sa P9,757 ang buwanang sahod ng nurses sa pribadong ospital samantalang nasa pagitan na ng P19,845 hanggang P30,531 ang buwanang sahod ng mga nurse sa government hospitals.

Sa oras na maging batas ay papatawan naman ng multang P100,000 hanggang P1 milyon sa bawat paglabag, ang alinmang ospital na susuway sa mga probisyon ng panukala.

Kamakailan lamang ay itinaas ng pamahalaan ang sahod naman ng mga nurses sa pampublikong sektor ng P19,845 hanggang P30,531 kada buwan.

TAGS: 18th congress, House Bill No. 7569, Inquirer News, Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020, nurse salary, private nurse salary, Radyo Inquirer news, Rep. Paolo Duterte, 18th congress, House Bill No. 7569, Inquirer News, Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020, nurse salary, private nurse salary, Radyo Inquirer news, Rep. Paolo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.