Sarangani, Davao Occidental niyanig ng dalawang may kalakasang lindol

By Mary Rose Cabrales September 14, 2020 - 12:08 PM

Muling nakapagtala ng may kalakasang pagyanig ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.3 na pagyanig sa 246 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-10:47 umaga ng Lunes (September 14) at may lalim na 21 kilometers.

Naitala rin ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 218 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-11:53 ng umaga at may lalim na 10 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna ng niyanig ng dalawang magnitude 4.5 na lindol ang lugar kaninang alas-12:50 at alas-4:41 ng madaling araw, naitala rin ang magnitude 3.5 kaninang ala-1:12 ng madaling araw.

 

 

 

 

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani, Davao Occidental, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.