Global cases ng COVID-19 mahigit 29.1 million na
Umabot na sa mahigit 29.1 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes (Sept. 14) ay 29,175,454 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 243,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 31,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 93,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapatala ng dagdag na 14,500 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,708,458
India – 4,845,003
Brazil – 4,330,455
Russia – 1,062,811
Peru – 729,619
Colombia – 716,319
Mexico – 663,973
South Africa – 649,793
Spain – 576,697
Argentina – 555,537
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.